Maraming Sumubok, Maraming Nagtagumpay

Noong Biyernes, sa unang pagkakataon sa buhay ng maraming Kristiyano sa Breath of Life, naganap ang Overnight Prayer Meeting. Lingid sa kaalaman naming, ito pala ay nagbigay ng kakaibang excitement sa ilan. Kahit kami excited kasi hindi naming alam kung gaano kadami ng dadalo at susubok talunin ang sariling antok. At dumating ang gabing pinakakaasam, sama-samang dumalo ang mga pastor, elder, deacons, ushers, praise & worship, women’s at youth; at may ilang childrens. Kumpleto ang representation ng church.

Marahil iniisip ninyo, “Bakit kasi kailangan pang overnight, pwede namang twing 2 to 3pm nalang hindi pa tayo nahilo.” Pero sa totoo lang napakalaki ng impact sa Panginoon ating ginawa. We have shown God how sincere we are with the prayers we uttered that night. And to think that we are most of the time not available during regular prayer meetings, why not set the 1st Fridays as your day of prayer.

Hindi ito isang pagpapahirap sa sarili, it is one way to shown sincerity, urgency and commitment. Prayers have always been important to God because through it He can listen to the voice of His children. “Wow… so parang naka-unlimited call tayo kay God noong Friday?” Yes, pero lagi naman eh, hindi lang tuwing overnight.

Mga kapatid, pakatandaan natin na nasasabik din ang Ama sa tinig ng kanyang mga anak. Hinihintay ka ng Panginoon, ngunit huwag mo nang hintayin ang Overnight para manalangin, maaari mo itong gawin ngayon at buong maghapon.

No comments:

Post a Comment