Ang Ating Misyon

Nakapanood na ba kayo ng pelikula na merong taong namatay. Humarap sa Diyos tapos ay pinabalik dahil meron pa raw siyang misyon na dapat ganpanan o tapusin. Tapos ang sunod na eksena ay sa loob ng ospital.

Tama! Ang bawat isa ay mayroong misyong dapat gampanan. At tayo bilang mga Kristiyano ay mayroong misyon na dapat gawin, ito ay ang mag-misyon. Pero alam na nga ba natin kung ano ang ating misyon? Kung ating babasahin ang Mateo 28:19-20 makikita natin ang inaasahan sa atin ng Pannginoon.

Minsan, marami sa atin ang lagay na ang loob na siya ay regular na nagsisimba, nagkakaloob, nananalangin o aktibo sa gawain sa loob ng simbahan. But still there’s
something missing in us. Something that is expected from us. We are expected by God to share the gospel of salvation to those who need it.

Pero ang tanong, ano na ba ang ating nagawa upang ibahagi ang Mabuting Balita ng Kaligtasang mula kay Hesus. Pastor masyado pa akong bata upang gawin ito. Sabi naman ng iba, masyado na akong matanda upang gawin ito.

Naisip ko lang, saan kaya makakarating ang Salita ng Diyos kung ang mga alagad ni Hesus noon ay hindi nagbahagi nito. At napag-isipan mo na ba, after 30years, kung hindi tayo magbabahagi ng Salita ng Diyos dito sa Coral o dito sa Batangas, sino na kaya ang nagsisimba sa BOLCC o ano na kaya ang gamit ng BOLCC Compound?

Yes it is true that it is God that makes a ministry prosper, but it is God’s people that he uses to do His work. Kung hindi ikaw, Sino?